Klaster 10 sasabak sa Indak Sayaw, IHMA naghahanda na rin para sa Indak-Indak
Posted by user1 on October 24, 2019 7:47 AM
Naghahanda na para sa Indak Sayaw Competition ang ilang guro ng Cluster 10 na gaganapin sa FGR Park and Baywalk ngayong gabi. Ang Cluster 10 ay binubuo ng Immaculate Heart of Mary Academy (IHMA), Mati School of Arts and Trades (MSAT), at Badas National High School. Ang Indak Sayaw (Teacher’s Category) ay sasalihan ng iba’t ibang cluster sa City of Mati Division.
Matinding paghahanda ang ginawa ng mga guro upang makamit ang inaasam na panalo. Matutunghayan ng lahat ang presentasyon ng bawat cluster mamayang 7:30 ng gabi sa baywalk stage. Masisilayan ng lahat ang talento at galing ng mga guro sa Siyudad ng Mati.
Pormal na nga na binuksan kahapon ang pagdiriwang ng ika-19 na Sambuokan Festival sa FGR Park and Baywalk sa Mati City. Bago pa man ang Grand Opening ng Sambuokan Festival ay marami ng paghahanda ang inumpisahan na agad ng mamamayan ng Mati. Isa na dito ang Indak-Indak Street Dancing Competition na gaganapin sa ika-29 ng Oktubre at lalahukan ng iba’t ibang paaralan sa Siyudad ng Mati kabilang na ang Immaculate Heart of Mary Academy- High School Department.
Kaugnay nito ay inanyayahan ng mga guro ng Immaculate Heart of Mary Academy ang mga mag-aaral na tunghayan ang nasabing patimpalak na gaganapin mamayang gabi. Ito ay naglikom ng positibong tugon mula sa mga mag-aaral na nangakong pupunta at magbibigay suporta sa kanilang mahal na mga guro.